Krisis sa bigas iimbestigahan ng Senado

HINILING ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na imbestigahan ang kontrobersiyal na ulat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na umano’y may nakaambang kakapusan ng suplay ng pagkain sa bansa.

Nangangamba si Pangilinan na baka gamitin lamang ng ilang indibiduwal na negosyante o grupo ang sitwasyon upang magkamal ng mas maraming tubo.

“Hindi biro ang usaping ito at lubhang napakasensitibo para gamitin ng ilang mapagpangahas na grupo o indibidwal para sa sariling interes,” ayon kay Pangilinan.

“If it’s true that this issue is being manipulated to drive prices high, then it’s a matter that needs our serious attention,” giit pa ng senador.

Nakikipagtulungan si Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture and food at sa Department of Agriculture (DA) sa pagmo-monitor ng suplay ng pagkain sa buong bansa.

“Speculation is one of the problems we’ve identified and this needs to be addressed,” aniya.

Dagdag ni Pangilinan: “In this particular case, if we find out that it is manufactured and that unscrupulous traders are behind this, then they should be punished.” Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply