Krisis sa suplay ng bigas, nakaamba—Kiko

NANGANGAMBA si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na magkakaroon ng krisis sa suplay ng bigas kung hindi agad kikilos ang administrasyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.

Inamin ni Pangilinan, hindi nakakagulat ang ulat ng National Intelligence Coordianting Agency (NICA) na lumiliit ang suplay ng bigas sa bansa na siyang naging pambansang pagkabahala.

“Hindi tayo nasosorpresa sa resulta ng ulat ng NICA.   The trend in higher food process did not begin February—not even this year. The United Nations’ Food & Agriculture Organization (FAO) started reporting about the trend in 2010 and so the increase is not going to be sudden,” aniya.

Iginiit ni Pangilinan na kung pagbabatayan ang ipinakikitang trend sa ngayon, mahigpit ang pangangailangan ng bansa na maghanda upang maiwasan ang nakaambang krisis sa bigas.

“If we ignore the signs, a ‘crisis’ will creep up slowly, catching us unaware. On the other hand, we can use this time to prepare and ensure food security and stable prices. There will be no destabilization or crisis if we prepare now and focus on solutions,” giit ni Pangilinan.

Dahil dito, hinikayat ng senador ang Palasyo na kaagad ipatupad ang napagkasunduan sa AF2025, isang agriculture summit na ginanap noong Pebrero na lumikha ng isang road map na siyang tutugon sa isyu sa agrikultura.

Inihanay din ng mambabatas ang ilang agresibong pamamaraan upang maiwasan ang namimintong krisis sa suplay ng bigas.

Una, aniya, kailangan agresibong itaguyod ang paggamit ng bagong rice varieties-kabilang ang inbred at hybrid rice na kilala na pinatataas ang ani kada ektarya.

“We learned through our field visits that the average yield per hectare is 3.8 metric tons. Inbred and hybrid varieties increase the yield per hectare to as much as 15 metric tons—three times more than the current yield,” giit ni Pangilinan.

Inirekomenda din ni Pangilinan na palawakin ang sakahan na nabibigyan ng irigasyon upang tumaas ang ani ng magsasaka.

“We now have 1.4 million hectares of irrigated land. The remaining 3.2 million hectares of riceland remain raid-fed. The per-hectare yield can be doubled if irrigation will allow these lands two croppings instead of one,” ani Pangilinan.

Inirekomenda din ni Pangilinan na mag-organisa ng mas maraming kooperatiba at asosasyon upang magamit nang husto ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng ayudang pinansiyal at pautang mula sa government financial institutions. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply