Krista Ranillo may baby boy na

NAGSILANG na nga ng isang baby boy si Krista Ranillo.

Base sa mga nagkalat na balita, malusog naman nang isilang ni Krista ang kanyang anak sa non-showbiz husband na si Jefferson Niño Lim, isang mayaman na negosyante at CEO ng isang supermarket sa USA.

Ang kanyang baby ay may timbang na 6.6 lbs at kanya itong ipinaglihi sa hamburger at sa mismong asawa niya.

Kung matatandaan, pinaghinalaang si Manny Pacquiao ang ama ng dinadala ng aktres noong bagong buntis pa lan ito. Ito ay dahil before ito nakipag-isang dibdib kay Lim ay ang pambansang Kamao ang naging “jowa” nito.

Di ba, naglabasan pa noon ang mga litrato nina Krista at Manny na tila alam ng mga tao sa paligid ng magaling na boksingero ang relasyon ng dalawa?

Anyway, past is past, mukhang happy naman ang anak ni Matt Ranillo III sa buhay may asaw nito lalo pa at may baby boy na sila.

Samantala, seryoso na talaga si Krista sa buhay-pamilya dahil anito, goodbye showbiz na muna siya at “hello baby and husband” na ito. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply