Krusyal na game 4 ng Gins at Smart Gilas

ANG game 4 sa pagitan ng Ginebra Gin King at Smart Gilas Nationals ay isang krusyal na laro hindi lang sa Smart Gilas na hindi lang nakakunyapit sa 1-2 slate kundi maging sa Barangay Ginebra sa nakatakda nilang banggaan ngayong gabi, Abril 24, sa Araneta Coliseum.

Kailangang maitabla ng Nationals ang serye sa 2-2 subalit may kumpiyansa ang Barangay Ginebra ni coach Jong Uichico dahil sa dalawa nilang unang panalo, 97-96 sa game one at 110-103 sa game two. Nakaisa ang tropa ni coach Rajko Toroman sa game three noong Miyerkules 100-88 para makaiwas sa tangkang sweep ng Ginebra.

Sa laro sa Miyerkules, hindi lang si 6-foot-11 naturalized Marcus Douthit ang magpapasakit ng ulo kay coach Uichico kundi kung paano nila makokontrol ang point guard na si JV Casio na pumutok ng 30 puntos, kabilang ang 7-three-pointers noong huling laban.

Magiging pisikal ang laro na labis na pinangangambahan din ni Uichico. Kung magtabla ang serye, isang winner-take-all game 5 ang ikakasa sa Miyerkules, Abril 27.  Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply