KTV bar na pugad ng kahalayan sa Maynila

PAHAPYAW nating talakayin ang isang KTV bar na nag-ooperate sa China-town na “front” ng prostitusyon at ilang metro lang ang layo nito mula sa simbahang katoliko ng Sta. Cruz Church, Sta. Cruz, Manila.

Ito ay ang LIDO de Parish KTV na pinamamahalaan ng isang nagngangalang William Chua.

Ayon sa ating source, ang LIDO de Parish KTV ay pag-aari ng isang korporasyon ng mga mamumuhunang Tsino sa mainland  China.

Pero kahit China Boys ang kapitalista ng KTV bar, nakalutang na nagmamay-ari sina William Chua, Erick Sy at Bobby Cua.

Ang gusaling kinatitirikan ng LIDO de Parish KTV ay hanggang 5th floor. Mula sa basement ay matatagpuan mo ang LIDO de Parish KTV, bukod pa sa mga off-track, (horse racing), Madjongan, motel at iba pang mga kalaswaan.

Ika nga ang lahat ng bisyo, kaligayahan at iba pang kalaswaan ay matatagpuan mo sa gusaling kinatitirikan ng LIDO de Parish Hotel.

Malakas daw sa Manila City Hall ang isa sa mga may-ari ng KTV bar na si William Chua kaya madali lang niyang naikuha ng lisensiya at permit ang kanilang negosyo kahit ang kinakalakal dito ang katawan ng mga GRO. (Itutuloy)

VK COP SA EPD NANANALASA PA RIN

SA Eastern Police District (EPD) ay patuloy pa rin na nangongolekta ng lingguhang ”timbre” sa mga iligal na pasugalan itong si SPO4 Jigs Servilion na bata ni DIID chief Major Tuliao.

Bukod sa tong-collector ng EPD si Servilion ay operator pa rin siya ng mga makina (VK) sa Pasig City.

Ang ipinagtatakhan ko ay kung bakit kinukunsinti ni EPD Dir. Supt. Francisco Manalo ang pulis niyang ito.

Bakit patuloy na kinukunsinti ni Manalo ang pulis niyang ito?

Magkano?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply