KTV bar sa basement, motel sa 2nd at 5th floors

MULI nating sulyapan ang LIDO de Parish KTV na “front” daw ng prostitution sa Chinatown sa Ongpin St., Sta. Cruz, Manila.

Ang LIDO de Parish K-TV ay pag-aari ng mga mamumuhunang Tsino sa Mainland China pero ang mga pomo-front na may-ari ay sina Wilson Chua, Erick Sy at Bobby Cua.

Kung  ating titingnan  ang lugar ng LIDO de Parish KTV, ilang metro lang ang layo nito mula sa simbahan ng Sta. Cruz.

Ang gusali ng LIDO de Parish KTV ay KTV bar sa basement nito at sa 2nd hanggang 5th floor naman ay ang LIDO de Parish  Motel nito.

Anytime na gusto ng kostumer na maka-sex ang kanyang kapartner ay ipapanhik lang niya ito  sa itaas ng nasabing  motel.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung paano nakakuha ng permit sa Manila City Hall ang LIDO de Parish KTV kahit ang mga katawan ng mga GRO ang  kinakalakal sa nasabing KTV bar.

Kalimitang ang mga parokyano sa nasabing bahay-aliwan ay pawang mga lokal at  foreign Chinese, Korean, Taiwanese at iba pa. Pinipili ng LIDO de Parish KTV ang mga pinapapasok nilang kostumer, kalimitan ay mga lokal at foreign Chinese lang.

Pagpasok pa lang  ng kostumer sa KTV ay bibigyan na kaagad ito ng ka-table na GRO sa first order ay naka-time in ng P450 ang GRO. Pag nagkasundo na ang mga ito panibagong time-in ng 3 hours. (Itutuloy)

Corrupt sa business permit

SINO itong Boyet del Rosario ng Business Permit ng Pasay City na  ubod ng corrupt? Hindi kikilos ang mamang ito kung hindi raw maglalagay ng P2K ang mga kinikikilan nito. Wala raw ipinagmamalaki itong si Boyet del Rosario kundi si Mayor Tony Calixto.

Mayor Calixto, kayo raw ang protector nito!?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply