Kulong sa maliligo sa Manila Bay

MAKUKULONG ang mga taong magmamatigas na maligo sa maruming tubig ng Manila Bay sa kabila ng mahigpit na babala ng lokal na pamahalaan ng Maynila na bawal ang maligo doon.

Nitong nakalipas na Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay ay dinagsa ng mga tao ang Manila Bay kaya naisipan ni Acting Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na irekomenda ang pagsusulong ng isang ordinansa upang epektibong maipatupad ang pagbabawal sa paliligo sa nasabing bay bunsod ng masamang epekto sa sa kalusugan ng maruming tubig doon.

Sinabi pa ng bise alkalde, marami talagang residente ang matitigas ang ulo dahil sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa paliligo sa Manila Bay ay patuloy pa rin ang mga ito.

Aniya, kinakailangang nang magpasa ng ordinasa na magpapataw ng parusang kulong sa sinomang susuway at hindi sumunod sa naturang ban.

Nilinaw din niya na hindi ipinagdadamot ang tubig sa Manila Bay, aniya pinangangalagaan lamang nila ang mamamayan dahil may banta sa kalusugan ang maruming tubig doon.

“We need to pass an ordinance for it. If somebody does not follow it, they could go to jail. Matitigas na yung ulo ng iba. Hindi namin sila pinagbabawalan dahil ipinagdadamot namin ang Roxas Boulevard pero hindi kasi siya ligtas sa kalusugan,” anang acting mayor.

Una nang binuksan ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga mamamayan ng Maynila at residenete sa paligid ng Manila Bay ang mga swimming pool sa mga sports complex sa lungsod upang makapag-swimming ng libre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply