Kumakasa sa Obispo, tameme sa oil companies

KUNG meron mang malinaw na tatak ang gobyernong Pnoy, walang iba kundi “kumakasa” at “tameme.”

Kinakikitaan ng tapang ang administrasyong Pnoy sa isyu ng Reproductive Health bill.

Mismong ang bosing nito ang nagsasabi na kahit na iekskomunikeyt pa siya ng mga obispo, pro-RH siya.

Kabilang sa parusa sa ekskomunikasyon ang hindi pagbabasbas sa kanya sa oras ng kanyang kamatayan at hindi paglilibing sa kanya sa sementeryo ng simbahan.

Hi! Hi! Hi! Alam na alam ng Boss nila na hindi epektib ang agua bendita ng mga obispo sa pag-aalis ng mga kasalanan at lalong alam na alam niyang sa libingan ng mga bayani siya ililibing at hindi sa sementeryo ng simbahan.

oOo

Sa kabila ng pagiging matapang ng Boss nila, tameme rin pala ang gobyerno sa mga malalaking negosyante gaya ng mga kompanyang langis.

Op kors nagtatapang-tapangan ito sa pagsasa-bing iimbestigahan nito ang posibleng oberpraysing ng mga kompanya. Pero hindi pa natutuyo ang laway nito sa pagsasabing mag-iimbestiga ito, agad na ipinasa sa hukuman ang pagdidisiplina sa mga kompanyang langis.

In ader words, Suki,  ipinagpapatuloy lang ng  gobyerno sa Malakanyang ang dati na nitong drama na wala itong magagawa sa higit na dagdag-presyo kaysa bawas-presyo ng nasabing mga kompanya.

oOo

Noong panahon ni Marcos, itinayo ang Petron bilang panlaban sa mga dayuhang kompanyang langis. Noong nagka-Ondoy, pinigilan ni Gloripie ang mga kompanya na magdagdag-presyo sa petrolyo.

Eh ngayong panahon ni Pnoy na may krisis sa presyo ng petrolyo, ano ang nangyayari?

“Wala, wala silang magagawa!” Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply