Kumatay sa 7 dolphin sa Sorsogon tinutugis

INIIMBESTIGAHAN na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang napaulat na ilang menor de edad ang kumatay ng pitong dolphin sa Barangay Bantayan, Pilar, Sorsogon.

Nabatid na ipinag-utos na ni Gil Ramos ng BFAR Sorsogon ang malalimang imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente.

Batay sa inisyal na report, nahuli ng lambat ang pitong dolphin. Ngunit imbes na pakawalan ito ay kinatay pa.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan na rin ang mga residente sa lugar sa pagtunton sa mga menor de edad na nasa likod ng nasabing pangangatay ng mga dolphins.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply