Kumpanya ng CDO kinasuhan ng Customs

SINAMPAHAN Huwebes, Abril 14, ng Bureau of Customs (BOC) ng P1.1 bilyong smuggling case ang meat processing firm Foodsphere Inc. dahil sa pagdedeklara nito sa mas mababang halaga ng kanilang inangkat na buffalo meat mula sa India.

Ang naturang kumpanya na nasa likod ng popular na processed at canned meat na CDO Karne Norte at Samba Corned Beef ay ang nangungunang supplier ng meat toppings sa halos lahat ng mga quick service restaurant sa bansa.

Ang kinasuhan ay sina Rolando Juan Cruz, assistant vice president for finance ng CDO-Foodsphere Inc. at Romeo G. Lerit, isang customs broker na nakabase sa Escolta, Manila. Kabilang din sa mga kinasuhan ay ilang katao na direkta o indirekatang may partispasyon sa pagpapalabas ng ng subject shipments.

Inakusahan ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang Foodsphere Inc. ng pagdedeklara ng isang kilo na may halaga lamang na US$1.50 o P66.00 para sa 8,964,600 kilograms ng buffalo meat na ipinasok ng bansa sa pagitan ng Oktubre 2009 at Marso ngayong taon.

Ang ibang meat importers ayon kay Alvarez ay nagdeklara ng isang kilo na halagang US$2.58 o P113.52 sa parehong imported products na kanilang inangkat sa parehong supplier sa parehong panahon.

Dahil dito, nagbayad lamang ang naturang kumpanya ng mas mababahang halaga na P67,574,071 sa customs duty sa halip na P109,412,422.

Inatasan din ni Alvarez ang Post Entry Audit Group (PEAG) ng ahensiya para alamin ang lahat ng importasyon na ikinasa ni Foodsphere Inc. bago ang Oktubrer 2009 para malaman kung ang parehong istilo ay ginamit ng kumpanya sa mga nakaraang transaksyon nito. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply