Kumpanya ng ‘killer bus’ sinuspinde

SINUSPINDE na Huwebes, Abril 14, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa loob ng 30 araw ang kumpanya ng bus na nakasagasa at nakapatay sa mag-ina Miyerkules ng gabi sa Pasay City.

Ayon kay LTFRB-Board Member Atty. Manuel Iway, napirmahan agad ang suspension order at ipadadala na sa opisina ng Genesis Bus.

Bukod aniya sa suspension order ay pinadalhan na rin nila ng “Show Cause” order ang kumpanya ng bus upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang franchise o Certificate of Public Conveyance (CPC) ng kumpanya.

Inatasan na rin agad  ng  LTFRB ang Insurance company para bayaran ang nararapat na burial claim sa mag-inang biktima.

Sa ulat ng Pasay City Traffic Police, nagkadurug-durog ang katawan ng  mag-ina makaraang masagasaan ng naturang pampasaherong bus na minamaneho ng isang Rodrigo Pagulayan habang tumatawid sa kanto ng EDSA at Taft Avenue sa Pasay City.

Sa ulat ng  Pasay City police traffic chief Inspector Salvador Solana namatay noon din ang ang batang si Alexander, 7,  samantala ang ina na si Amelia Caribo 40, ay naisugod pa sa Pasay City General Hospital pero namatay rin bunga ng matinding pinsala sa katawan. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply