Kuya kinatay ni utol

BINURDAHAN ng saksak ang isang lalaki ng kanyang nakababatang kapatid matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito kamakalawa ng gabi sa Barangay Bendita,  Magallanes, Cavite.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Eduardo Linezo, 48, residente ng Barangay Bendita ng nasabing lugar, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Nakilala naman ang suspek na si Gregorio 45, nakababatang kapatid ng biktima.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Cavite Police Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, bandang 10:30 ng gabi nang bigla na lang umanong nagtalo ang magkapatid na nauwi sa pananaksak ng suspek sa kaniyang kuya.

Pagkatapos ng pananaksak ay agad na tumakas ang suspek pero bandang 8:00 ng umaga kinabukasan ay sumuko ito sa mga awtoridad bagama’t tikom ang bibig nito sa pinag-awayan nila ng kapatid.

Kasong parricide ang kinakaharap ngayon ng suspek. Gaynor Bonilla

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply