Kylie Padilla, nilegwak sa star billing ang pinsang gimikerang si Bela Padilla

HINDI pa ba obvious? Ginamit talaga ni Kylie Padilla o sino mang nagmamahal sa kanya, si Aljur Abrenica to spice her up. Kita naman ang ebidensiya. Yung mga nagpasimuno sa pagbubuking na nagliligawan ang dalawa ay pawang mga taga-GMA 7 na para bagang kung secret ang romansa nila, instead, they should have kept it secret.

Sa true, may detalye pa sila sa pambubuking which make it appear all the more na sinadya ito to rev up Kylie’s image. Ayan ngayon, biglang nabigyan ng importanteng projects si Kylie at bigla ngang bumango ang imahe ng anak ni Robin Padilla.

May next project na nga si Kylie Padilla sa GMA-7 dahil after “Dwarfina,” gagawin niya ang TV adaptation ng pelikulang “Blusang Itim.”

Sa mga nag-audition na Kapuso talents, siya ang napiling gumanap sa role ni Jessa na unang ginawa ni Snooky Serna. This makes legwak her isa pang gimikerang pinsan ba or something na si Bela Padilla, hahaha!

Proud daddy daw si Robin Padilla nang malamang may launching project na si Kylie at alam na rin ng mommy niya ang good news at ang payo nito’y galingan niya ang trabaho at ‘wag kalilimutang magdasal.

Sa tanong kung anong feeling na bida na siya, sabi ni Kylie, “Sobrang saya! Talagang hinintay ko to have my own show at thankful ako sa GMA for trusting me with the project. Siguro, nagustuhan nila ang ginawa ko sa audition, kaya ako ang napili nila to play Jessa’s role.”

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply