LA Tenorio panauhin sa 4th Freego Cup

NAANYAYAHAN ang star point guard ng Alaska Aces na si LA Tenorio bilang espesyal na panauhin sa pasinaya ng 4th FCBL Freego Cup Basketball Tournament sa Sabado, Abril 30, ang pasinaya ng torneo ay gaganapin sa Buddhacare Gymnasuim sa Quezon City.

Tinatayang 12 highshcool teams ang paparada sa taunang kompetisyon na itinataguyod at sa pakikipagtulungan ng Talk N’ Text ni business tycoon/sportsman Manny V. Pangilinan na kung saan magbibigay ng kanyang inspirational message si Tenorio.

Idedepensa ng San Beda Team ang korona sa pakikipagharap kontra sa University of Perpetual Help sa second game ng triple–header ng tournament na itinataguyod ng Colt Commercia,Powerbest Marketing Inc., Jumbo Plastic Linoleum, Fresh Gear, Happee Toothpaste, Old China Town Kapitiam, Mandarin Sky Seefood Shabu–Shabu Restaurant at Apple Tape.

Ayon kay Nelson Chan, president ng Eimco Corp. Inc., tagagawa ng Freego Jeans na inaasahang dadalo sa opening day, na layunin ng torneo na mabigyan ng pagkakataon na mahasa ang kakayahan ng mga kabataan sa larong basketball.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply