Lacson ‘di pa rin lusot sa DOJ

PINAKIKILOS ni Justice Secretary Leila de Lima ang Bureau of Immigration para imbestigahan kung paanong nakalabas ng bansa at nakapagtago si Sen. Panfilo Lacson na noon ay pinaaaresto dahil sa kasong pagpatay sa PR man na si Bubby Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito.

Ayon kay de Lima, hihintayin niya ang isusumiteng ulat ng BI at mula roon ay pag-aaralan niya kung kailangang magsagawa ng mas malalim na pag-iimbestiga.

Itinanggi na ng Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong, Xiamen at Macau na nag-isyu sila ng travel document kay Lacson.

Una rito, hinamon ni De Lima si Lacson na ibunyag ang pinanggalingan ng mga travel documents na kanyang ginamit para makabalik ng bansa noong Marso 26, pero nanindigan ang senador na isasama niya sa kanyang libingan ang mga impormasyon tungkol sa kanyang biyahe at ginawang pagtatago.

Matatandaang si Lacson ay mahigit isang taong nagtago makaraang iutos ng Manila Regional Trial Court ang pag-aresto sa kanya dahil sa Dacer-Corbito double murder case.

Lumutang lamang ang senador makaraang pagtibayin ng Court of Appeals ang pagbasura ng kasong pagpatay laban sa kanya. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply