Lacson: Tunay ang travel documents ko

IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na tunay at hindi peke ang travel documents na ginamit niya nang siya ay magtago sa ibang bansa.

Ito ang nilinaw ni Lacson nang dumalo siya nitong Lunes ng umaga, Abril 25, sa Kapihan sa Diamond Hotel.

Aniya, kung peke ang gagamitin niyang dokumento ay mahuhuli at makukulong siya.

“It doesn’t make sense… ‘Pag nahuli ako e di kulong pa ako,” paliwanag ng senador.

Sinabi pa ni Lacson na imposibleng hindi “authentic” ang travel documents niya dahil sa siya mismo ang humarap sa consul na nag-isyu sa kanya ng mga dokumento.

“As far as I know and as far as I’m concerned I came face-to-face with the consul who issued my travel documents, so I know it’s authentic. It’s still with me, but I don’t want to go into details, ” diin ng senador.

Gayunpaman, ani Lacson, kahit saan siya nagtago o nanggaling, ang importante ay nakabalik na siya sa bansa at hindi siya puwedeng palabasin dahil isa siyang Filipino.

“Maski sa saranggola ako nanggaling bumaba rito sa ating lupa, ‘di ako pwede i-deport. Karapatan ko manirahan sa ating bansa. So I don’t know what the big fuss about anong ginamit mo saan ka nanggaling saan ka nagtago. Tapos na ang issue na yan,” dagdag ni Lacson. Vicky Cervales

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply