Lady Eagles, Altas pasok sa quarterfinals

NAISULONG ng Ateneo Lady Eagles at UPHSA Lady Altas kasama ang naunang Southwestern University Lady Cobras ang pwesto sa quarterfinals sa Shakeys V-League First Conference.

Ito ay nang patikimin ng kamandag ng Lady Eagles ang Lady Cobras sa loob ng 3 sets, 25-16, 25-15, 25-15 tungo sa pangunguna sa Group A habang  pinaluhod ng Lady Altas ang College of
Saint Benilde Lady Blazers 25-18, 25-19, 25-19 na naghatid sa Altas sa 3-0 slate na pangunguna sa Group B.

Mapalad ang SWU Lady Cobras na sa kabila ng pagkatalo sa loob ng apat na sets, 21-25, 27-25, 25-16, 25-15 sa Lyceum lady Pirates nang madiskubre na illegible na player si Carla Benedicto na pinalaro nang walang accreditation sa liga.

Magbabalik sa Linggo ang bakbakan sa FilOil Flying-V Arena  sa pagitan ng Lady Tams at LPU Lady Pirates, habang sasabak ang San Sebastian College Recoletos Lady Stags sa Ateneo de Manila University Lady Eagles simula alas-dos ng hapon.  Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply