Lady Eagles lilipad patungo sa semis

LALAYUG ang Ateneo University Eagles para masungkit ang isang silya ng semifinals sa pagharap nila kontra sa Perpetual Help Lady Altas sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City ngayong hapon, Abril 28.

Kapag nagwagi, ay ikalimang deretso ng Katipunan–based volleybelles na nangunguna sa Group A quarterfinals tangan ang 1-0 slate habang ang Lady Altas ay nakabuntot sa 1-1 win-loss record. Lumuhod ang Altas sa Lyceum Lady Pirates sa loob ng 4 sets na labanan noong Martes.

Sa mauunang laro, sasabak ang National University Lady Bulldogs (0-1) sa Southwestern University Lady Cobras (1-1) sa Group B.

Matutuon ang atensyon ng mga manunuod sa dwelo ng Thai import na si Keseinee Lithawat ng Lady Eagles kay Jeng Bualee ng Lady Altas habang sina guest player Alyssa Valdez at mga beteranong sina Fille Cainglet, Dzi Gervacio, Janensa Ferrer, Aerisae Patnongod at Gretchen Ho ang magpapasiklab sa Lady Eagles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply