Lady Eagles patatahimikin ang SWU Lady Cobras

MISYON ng Ateneo Lady Eagles na patigilin na ang panunuklaw ng Cesafi volleyball champions na Southwestern University Lady Cobras sa pagpapaluan nila ngayong hapon, Abril 14, sa 8th-Shakey’s V-League sa FilOil Flying V-Arena sa San Juan City.

Tangan na ng Lady Eagles ang dalawang panalo habang nakabuntot ang Lady Cobras sa 3-1 win-loss slate, kabilang dito ang kagulat-gulat na pagpapahiya sa two-time runner-up na San Sebastian College-Recoletos Lady Stags.

Magpapaluan sa unang game ang College of Saint Benilde Lady Blazers at ang UPHSD Altas at sa main game ay ang laro sa pagitan ng Lyceum Lady Pirates konta San Sebastian College Lady Stags. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply