Lady Eagles pinapak ang Lady Altas

PINAPAK ng Ateneo Lady Eagles ang Perpetual Lady Altas sa loob ng 4 sets, 25-21, 25-16, 20-25, 25-19 tungo sa pagsungkit ng unang slot ng semi-finals ng Group-A ng Shakey’s V-League.

Nabuhay naman ang pag-asa ng National University lady Bulldogs na makapasok sa kanilang kauna-unahang final 4 nang ngatngatin sa diretsong 3 sets ang South Western University Cobras 25-17, 25-21, 25-15 sa The Arena, San Juan City.

Naka-18 puntos si guest player Alyssa Valdez, samantalang si Lithawat Rissine na tinabunan ang kababayang Thai na si Jeng Bualee sa pagtatak ng 17 puntos kontra 14 points ng kababayan.

Napanatili ng Lady Ealges ang 5 panalo kabilang ang 4 wins sa single round elimination phase.

Isang impresibong all-around game ang ipinamalas ng Lady Bulldogs sa 37-36 na palo kontra Lady Cobras bukod sa 10 blocks at 10 serve ponts kontra sa 3 blocks and 4 service aces ng Vizayan volleybelles.

Nakatulong ang panalo ng Lady Bulldogs sa pormal na pagpasok ng Saint La Salle-Bacolod sa final 4 sa tangan nilang 2-0 win loss slate sa kabila ng nalalabing isa pang laro sa quarterfinals.

Magsusubukan ang Far Estaern University Lady Tams at National University Lady Bulldogs habang magpapataasan ng lipad ang Lady Eagles and Lady Falcons bukas, Linggo sa The Arena, simula alas-dos ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply