Lady Falcons dinagit ang USLS

NAGHABOL sa 6-11 score sa 3rd frame ang pre-tournament favorites na Adamson Lady Falcons tungo sa paglupig sa University of St. La Salle-Bacolod sa Shakey’s V-League sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Inirehistro ng Lady Falcons ang 25-23, 25-15,25-23 sa pangunguna ni Angela Benting na kumana ng 4 aces sa kanyang 16 points, na kasama ang 14 hits ng dating league most valuable player na si Nene Bautista at 11 points ni Pau Soriano.

Sa isa pang laro, nakabawi ang National University Lady Bulldogs sa una nilang pagkatalo at sa laro nito ay pinabagsak ang University of Perpetual Help Dalta sa loob ng apat na sets, 20-25, 25-10, 25-21,25-23.

Magpapaluan sa Linggo, Abril 10, sa FilOil Flying V-Arena ang USLS at ang NU Lady Bulldogs na susundan ng laro ng Ateneo Lady Eagles kontra sa Lyceum Lady Pirates. RaditoTorres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply