Lady Pirates lugmok sa Lady Eagles

NAMAYAGPAG ang Ateneo Lady Eagles laban sa Lyceum Lady Pirates sa pagtatala nila ng panalo sa loob ng limang set, 25-19, 24-26, 17-25, 25-19, 15-6 sa pagpapatuloy ng paluan sa Shakey’s V-League, Lingo ng hapon, Abril 10.
Ginawa ni Alyssa Valdez ang career-high na 27 puntos. Sina Fille Cainglet, Dzi Gervacio at ang Thai import na si Kesinee Lithawat ay pawang nakatulong tungo sa pagsukbit ng Lady Eagles ng ikalawang panalo para pangunahan ang group A ng liga na ginaganap sa FilOil Flying V-Arena sa San Juan City.
Nalaglag sa segundo-pwesto ang Lady Pirates kapantay ng Southwestern University Lady Cobras, tangan ang 1-1 win-loss slate.
Sa isa pang laro, pinungusan ng pangil ng University of St. La Salle- Bacolod ang National University Lady Bulldogs sa straight na 25-19, 25-18,25-17 sa inisyatibo ni Patty Orendain na bumanat ng 16 hits. Pangalawang panalo ito ng La Salle-Bacolod sa loob ng tatlong laro na ikalawang pagkatalo naman ng Lady Bulldogs kontra isang panalo sa group B. Radito Torres

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply