Lady Stingers dumikit sa semis berth

NAKAIWAS sa banta ng panganib ang University of Saint La Salle-Bacolod Lady Stingers nang masilipan ang Southwestern University Lady Cobras sa fifth set tungo sa paggaiti sa unang semifinal berth sa Group B ng eighth Shakey’s V-League First Conference sa The Arena, San Juan City kamakalawa ng gabi.

Sinayang ng Lady Stingers ang 2-0 sets na abante bago tuluyang pangunahan at kunin ang deciding fifth set sa pagtatala ng 25-15, 25-14, 22-25, 12-25, at 15-09. Sa unang laro, katulad ng Lady Stingers, ay umarangkada ang Lyceum Lady Pirates sa tatlong kasunod na sets para itakda ang 21-25, 25-22, 29-27 at 25-20 matapos pataubin ang Perpetual Help Altas sa engkuwentro sa Group A.

Sumandal sa mahigpit na depensa sa net para sansalain ang atake Lady Altas na kung saan 10 blocks ang nairehistro nila habang si guest player Mary Jean Balse, Joy Casas at Jamie Peña ang gumana sa opensa na nagdala sa panalo ng isang oras at 35 segundong salpukan.

Masasabak ang Altas bukas ng alas-kuwatro ng hapon laban sa Ateneo Lady Eagles habang ang National University Lady Bulldogs ay papalo kontra sa Southwestern University Lady Cobras sa pagpapatuloy ng bakbakan sa may dalawang linggong palaro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply