Lady Stingers tinalo ang Lady Blazers sa 5 sets

DUMAAN sa dalawang oras ng gitgitan ang University of St. La Salle-Bacolod sa paglupig sa College of St. Benilde sa loob ng limang set, Martes ng hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Naitala ng Lady Stingers ang 5 sets na panalo, 25-21, 25-27, 18-25, 25-17 at 15-11 na tinampukan ng nine  deadlocks. Ang American import ng Bacolod-based tosser na si Jayde Hair ay kumana ng four-straight points kabilang ang isang drop shot sa pagbibigay ng 13-9 abante sa Lady Stingers.

Sa panalo ng USLS ay nakapantay sila sa inaugural winners na Ateneo Lady Eagles at University of Perpetual Help Daltas sa eighth-season ng Shakey’s V-League.

Tinalo naman ng Lyceum Lady Pirates ang CESAFI Volleyball Champions Southwestern University sa sets na 21-25, 27-25, 25-16 at 25-15.

Gumawa si Joy Cases ng 20 hits habang ang guest players na sina Mary Jean Balse at Dahlia Cruz ay nagtuwang sa 21 puntos. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply