Lagman sa CBCP: Hayaan na ang RH bill

MATAPOS magbigay ng suporta ang Iglesia Ni Cristo sa Reproductive Health bill at iba pang sektang pang-relihiyon ay hinikayat naman ngayon ng pangunahing may-akda nito ang simbahang katoliko na hayaan na lamang maisulong at maisabatas ang nabanggit na panukala.

Sa kaniyang pahayag ngayon, Abril 26, sinabi ni House Minority Leader Edcel Lagman: “Quo vadis CBCP on the RH bill?”

Aniya, dahil sa suportang ibinigay ng Iglesia ni Cristo (INC) at Christian churches ay napag-iiwanan na lamang ang simbahang katoliko bilang “solitary institutional oppositor of the measure.”

Binanggit pa ni Lagman na ang pag-endorso ng Interfaith Partnership for the Promotion of Responsible Parenthood, Inc. (IPPRP) na kinabibilangan ng INC, Iglesia Filipina Independiente, Evangelical, Methodist, Adventist and Episcopal denominations ay kasunod ng matapang na pahayag ni  President Aquino ukol sa kaniyang suporta sa reproductive health and responsible parenthood bill.

Tinukoy pa ni Lagman na hindi naman lahat aniya ng miyembro ng simbahang katoliko ay tuwirang tumatalikod sa RH bill dahil ang totoo niya ay napakaraming katoliko ang nagsusulong sa panukalang ito.

“The snowballing of support of Catholics has been formalized with the nationwide organization of the Catholics and INC for RH.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply