Lagpak sa skul at lubog sa utang nagpatiwakal

PARA matakasan ang labis-labis na pagkakabaon sa pagkaka-utang kaya nagpasya ang isang 46-anyos na mister na magbaril sa sarili sa Barangay San Benito Sur, bayan ng Aringay, La Union, habang isang estudyante rin ang nagpatiwakal dahil sa bagsak na grado sa eskwela Cebu City, iniulat ng pulisya.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang unang biktima na si Carlito Colico, karpintero, ng nasabing lugar.

Nabatid kay P/Sr. Insp. Reynaldo Soria, hepe ng Aringay PNP,  natagpuang nakahandusay at duguan ang biktima sa loob ng kanilang comfort room  matapos marinig ang dalawang magkasunod na putok ng baril.

Isang bala ng kalibre .38 baril ang tumama umano sa ulo ng biktima na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Nabatid umano ni Soria mula sa asawa ng biktima na si Rosita, 47, na malungkot palagi ang kanyang mister nitong mga nakaraang araw bago nagpakamatay dahil sa utang nila na hindi mabayad-bayaran.

Samantala, nagbigti naman ang 13-anyos na lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Minglanilla Cebu matapos mapagalitan ng kanyang ina dahil sa mababang gardo na nakusa sa isa nitong asignatura.

Sa report ni PO1 Ronald Imbralinag, idineklarang dead on arrival ang biktima sa Minganilla District Hospital. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply