Lakad-lakad lang

TINANONG ko driver ko kung okay sya na samahan at ipag-drive ako sa Bisita Iglesia sa Semana Santa.

Okay naman daw, wala naman sya kasing plano sa Semana Santa.

Hindi na daw sya naniniwala sa Semana Santa.

Bakit naman, tanong ko.

Naniniwala ako sa sakripisyo ni Hesus, sagot nya, na para sa kaligtasan ng sangkatauhan pero di ako naniniwala na dapat gamitin ito para sa komersyalismo.

Tingnan mo boss ang mga commercials pag Holy Week.

May Lenten special offering mga fast food chains.

Mga trip to Boracay at sa mga resorts na sana doon na mag Holy Week lahat ng tao.

Pati mga motel, may mga tarpaulins ng promo para sa gimiks sa Holy Week.

Ano ba yun?

Ang dismayadong litany ng driver ko.

Parang ang kahalagahan na lang ng Semana Santa ay mahabang bakasyon at out of town trips.

Ibang-iba na ang Semana Santa.

Ano nga ba dapat ang mahalagang tinututukan ngayong Semana Santa?

Tama ang driver ko na marami ang gumagamit at nagsasamantala sa Lenten Season para ma-promote ang negosyo nila, pero hindi ibig sabihin na wala nang saysay ang Holy Week.

Ang paniniwala pa rin natin sa kahulugan ng Semana Santa bilang mga Kristyano ang mahalaga.

Maraming paraan para maalala natin at mabigyang saysay sa ating mga buhay ang kalbaryo ni Kristo.

Kaya ang sabi ko sa driver ko, huwag mo na ako ipagmaneho.

Maglakad na lang tayo sa Bisita Iglesia, para kahit sa kaunting pagod sa paglipat-lipat ng mga simbahan ay maramdaman natin ang ibig pahalagahan tuwing Holy Week at ito ay ang pagsasakripisyo para nang sa ganun ay mabigyang puwang natin sa ating magulo at abalang mga isip ang katuturan o saysay ng pagiging isang kristyano.

Kayo ano ang maipapayo nyo sa dapat at tamang paggunita sa Semana Santa?

Paano nyo idadaos ang Holy Week?

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com.
Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply