Lalabag sa ‘no collection policy’ kakasuhan ng DepEd

BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng guro at eskuwelahan sa buong bansa na parurusahan at sasampahan ng kaukulang kaso sakaling mapatunayang lumabag sa ipinatutupad na “no collection policy.”

Ang babala ay ginawa ni Education Secretary Bro. Armin Luistro kasunod ng mga reklamo kaugnay ng hindi pagbibigay ng clearance sa mga mag-aaral dahil sa kabiguang magbayad ng ilang kontribusyon.

Ayon sa kalihim, dapat na irelease ng mga guro at paaralan ang clearances upang maagang makapag enroll sa susunod na pasukan ang mga mag-aaral.

Dismayado umano ang kanyang tanggapan sa ilang mga paaralan at mga guro na pilit pinagbabayad ang mga estudyante ng kontribusyon para sa Parents-Teachers Association (PTA) o Parents-Teachers-Community Association (PTCA) at iba pang kontribusyon at bayarin bago i-release ang clearance.

Iginiit din ng kalihim na sa ilalim ng kanilang Education For All (EFA) commitment, agresibo ang DepEd sa posisyon nila na makapag-aral ang mga bata ng walang gastos. Jhie Convocar

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply