Lalaki dedo sa boga

INIIMBESTIGAHAN pa rin ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang 33-anyos na lalaki matapos itong mabaril ng hindi nakilalang salarin Biyernes ng gabi, Abril 15, sa Port Area, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Jesus Rivera ng Block 7 Baseco st., Port Area, Maynila.

Sa report ni PO2 Bernardo Cayabyab, dakong aas 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa lugar.

Nabatid na inutusan umano ang biktima ng kanyang tiyahin na nagngangalang Menchie na pumunta sa bahay ng kanilang kamag-anak para kumuha ng mahalagang bagay

Ayon naman kay SPO2 Virgo Villareal na siyang rumesponde sa insidente, napadaan umano ang biktima sa lugar na terirtoryo umano ng mga Muslim ngunit wala naman makapagbigay ng malinaw na teorya at motibo sa pagpaslang sa biktima.

Isang teenager umano ang agad na nagtungo sa bahay ng biktima upang ipaalam sa asawa nito na si Jocelyn ang nangyari.

Dali-daling pinuntahan ito ni Jocelyn  at inabutan ang asawa na naghihingalo at duguang nakahandusay sa lugar.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital pero binawian din ito ng buhay ganap na alas-11:18 ng gabi sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang sintido. Dinala sa Ivan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa autopsy. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply