Landslides sa Cotabato, 8 na ang patay

WALO na ang namamatay sa magkahiwalay na landslides sa Tampakan at T’boli sa South Cotabato.

Ayon kay Tampakan Vice Mayor Relly Leysa, naitalang apat ang patay habang dalawa naman ang nakaligtas sa nangyaring landslide sa tunnel sa Brgy. Pulabato, Tampakan.

Nasawi habang nagsasagawa ng banlas mining sina Daniel Pandoy, Jerry Mamowalat, Kinram Bayore at Remy Daway nang mangyari ang pagguho bunsod ng matinding pagbuhos ng ulan.
Habang na-rescue naman sina Pajel Doc at Tintin Malid matapos na ilang oras na ma-trap sa landslide.

Bago ang naturang insidente, umabot sa apat ang patay sa nangyaring landslide sa bayan ng T’boli dahil pa rin sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christopher Lagumbay, Roben Castor, Otero Militon at Randy Asistido habang nakaligtas naman sina Macmac Kamagong at Oliver Canson. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply