Laoag City niyanig ng lindol

NILINDOL ng magnitude 4.3 ang Laoag City Lunes ng umaga, Abril 4, iniulat ng  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa Phivolcs, niyanig ng intensity 2 na lindol ang Claveria at Calamaniogan, Cagayan.

Sinabi sa ulat, dakong 7:53 ng umaga ng yanigin ng lindol ang naturang lugar. Ang lokasyon ng lindol ay 18.86*North, 121.11*East –93 kilometro North 38* ng Laoag City.

Ayon pa sa Phivolcs, ang origin ng lindol ay tectonic  at may lalim sa lupa na 014 (shallow).

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply