Lasing na kelot nakipagpatintero kay Kamatayan

KRITIKAL ang isang lalaki matapos mabundol ng L-300 Van makaraang tawirin ang kahabaan ng Quezon Avenue nang walang pakialam sa mga nagdaraang sasakyan dala ng labis na kalasingan sa Quezon City kagabi.

Ginagamot pa sa East Avenue Medical Center si Leonard Oreña, 25, ng Blk 5, Lot 19 Villa España Tatalon, nabundol ng L-300 Van.

Kasalukuyang nasa kamay na ng awtoridad ang driver ng Alpha 5 Mitsubishi L-300 van na si Pablo Cañero 44, ng 274 Sto. Domingo Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad ng QCPD Traffic Sector 1, naganap ang insidente dakong 9:37 kagabi sa kahabaan ng West Bound Tatalon habang tumatawid ang biktima papunta sa kabilang side ng highway.

Base pa sa ulat ng pulisya, ilang nakasaksi sa nasabing insidente ang nakakita sa biktima na pasuray-suray na tinatawid ang lugar bitbit ang isang bote ng alak.

Nagkataon namang rumaragasang dumating ang sasakyan ng suspek kaya nabundol ang biktima.

Agad na isinugod sa pagamutan si Oreña dahil sa mga tinamong sugat at bali ng buto sa katawan. R.A Marquez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply