Last 2 games sa PBA 36th season eliminations

ISASARA sa salpukan ng Air21 Express laban sa Alaska Aces at ng banggaan ng Rain or Shine at ng San Miguel Beermen ang single round elimination bukas ng gabi sa Araneta Coliseum.

Tangan ng ElastoPainters ang 4-4 win-loss slate habang nasibak na ang Beermen sa nakapanglulunong 1-7 habang maghahabol sa playoffs ang Air21 Express kapag nanalo sila sa ultimo nilang laro sa Aces. Tangan ng Aces ang tersera-puwesto sa 5-2 record na sinusundan ng Barangay Ginebra sa iskor na 5-3.

Ang Air21 Express na pinalakas sa ginanap na trade nina ex-Beermen Danny Seigle, Dondon Hontiveros, Dorian Peña at Paul Artadi, at ng Top 3 pick sa huling PBA draft na si Nonoy Baclao, Rabeh Al Husaini at Ray Guevarra, ay sumungkit ng magkasunod na panalo laban sa Meralco Bolts, 110-101 at sa Powerade Tigers, 108-98.

Mahalaga sa Air21 Express ang panalo para magkaroon ng pagkakataon sa do or die bout nila ng Derby Ace Llamados sa huling slot sa quarter finals na una nang nakoponan Alaska, Ginebra Gin Kings at ng Rain or Shine ElastoPainters. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply