Lauren Young, JM de Guzman nagbubutingtingan sa loob ng tent? Why not?

UNANG pagkakataon nina JM de Guzman at Lauren Young na magsama at magkatrabaho sa “Mula Sa Puso” pero hindi naman sila nahirapang ayusin ang kanilang chemistry sa harap at likod ng camera kaya naman tumatagos sa screen ang kilig na dala ng mga karakter nilang sina Gabriel at Via.

Tila hindi lang sa telebisyon lumalalim ang samahan ng mga karakter nina Gabriel at Via sa “Mula sa Puso” dahil maging ang mga gumaganap dito na sina JM at Lauren ay nagiging malapit na rin sa isa’t isa.

Ayon sa mga nakakakita sa kanila off cam, panay biruan daw ang dalawa sa set lalo na kapag kinikiliti ni JM ang batok ni Lauren. Madalas din daw nauupo si JM sa tabi ni Lauren sa tuwing sila ay naka-standby lang sa loob ng tent ng ABS-CBN.

Ang kanilang teleserye ay mapapanaood sa primetime slot ng Dos, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-TV Patrol.

Hindi naman dinenay ng dramatic actor ang mga ito ngunit nilinaw niya na ginagawa niya ito para mas maging close pa kay Lauren na kanyang ka-loveteam sa programa.

“Siyempre kailangan makapag-establish kami ng bond off-screen para pagharap namin sa kamera ay kumportable kami sa isa’t isa at mas magagawa namin ng maayos ang mga eksena lalo na yung nakakakilig na scenes,” paliwanag ni JM.

Inihayag naman ni Lauren ang kanyang palagay sa katambal. “JM is very easy to get along with din naman kaya mabilis talaga kaming naging close. Yung biruan namin kasi comes naturally na kasi komportable na kami na magkasama.”

Tiyak mas kikiligin ang kanilang mga fans ngayong linggo sa lalo pang pagkakalapit ng mga puso nina Gabriel at Via. Ibinabalik na nga ni Via ang pinapakitang pagmamahal ni Gabriel pero gaano katagal nilang ipapakita ito sa isa’t isa lalo pa’t hadlang ang ama ni Via na si Fernando sa namamagitan sa kanila?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply