LCP kakasuhan ang Supreme Court justices

PINAPLANONG kasuhan ng League of Cities of the Philippines (LCP) ng impeachment sa Kongreso ang mga husgado ng Korte Suprema dahilan sa umano’y pakikialam nitong magpalabas ng desisyon hinggil sa 16 na bayan na gagawing lungsod.

Sa isang press conference sa QC, sinabi ni Alaminos Mayor Nani Braganza, spokesman ng LCP, dapat ay ang Malakanyang ang magdedesisyon kung dapat na maging lungsod ang 16 na bayan at hindi ang Korte Suprema.

“Huwag nating baguhin ang batas, dapat Malakanyang ang aaksiyon dito at hindi ang Korte Suprema” pahayag ni Braganza.

Sinabi nito na hindi naman sila  umaayaw na maging lungsod ang 16 na bayan kaya lamang ay dapat na pumasa ang mga ito sa mga requirements tulad ng pagkakaroon nito ng 100,000 populasyon at may  P100 milyon kita sa isang taon.

“Mayroong 21 bayan ang nag-aaplay na maging city, mas qualified pa sila pero bakit naunang naaprubahan itong 16 na bayan na hindi naman pasado sa requirements?” pahayag ni Braganza.

Naghinala si Braganza na mayroon umanong halong politika ang naging hakbang ng Korte Suprema hinggil sa pag-apruba nito na maging siyudad ang 16 na bayan sa bansa.

Ang 16 na bayan ay ang Batac, Tabuk, Tayabas, Baybay, Catbalogan, Borongan, Guihulngan, Bogo, Naga at Carcar sa Cebu, Tandag, Cabadbaran Agusan del Norte, El Salvador, Mati, Bayugan at Lamitan. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply