Lechon ng Pinoy bida sa ‘wedding of the century’

MAGIGING bida sa street party sa nalalapit na kasal ni Prince William at Kate Middleton sa April 29 ang mga litson na ipaparada bilang pakikibahagi ng mga Filipino sa tinaguriang “wedding of the century.”

Nabatid na 5,000 permits ang ipinamahagi ng national wedding coordinator para sa pagpapasara ng mga daan para bigyang daan ang street party sa publiko.

Dahil sa multi-cultural ang mga tao sa Great Britain, napagkasunduang maghanda ng mga pagkain ng iba’t ibang bansa.

Ang paghahanda ng litson sa naturang pagdiriwang ay napagkasunduan ng mga Filipino sa London.

Nabatid na hindi na magiging problema ang paghahanda ng lechon sa London dahil maraming chef na Filipino sa doon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply