Legarda sa DFA: Simulan na ang pulong sa Saudi Arabia

NAGHAIN ngayon, Martes, si Sen. Loren Legarda ng resolusyon upang isulong ang Philippines-Kingdom of Saudi Arabia Joint Commission Meeting (PHL-KSA JCM) upang mapag-usapan ang kalagayan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng mga kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Legarda na ang Pilipinas umano ay nakapagpadala ng mga OFWs sa KSA mula pa noong 1970s at ang remittances na nagmumula sa mga Pinoy sa Saudi Arabia ay umaabot sa US$1.5 billion nitong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, mayroong humigit-kumulang na 1.5 milyon Filipino ang namamalagi sa Kingdom of Saudi Arabia.

“The recent note verbale issued by the Saudi Ministry of Foreign Affairs, which temporarily suspends the processing and verification of applications by Filipino domestic workers, have implications upon departing Filipino household workers bound for Saudi Arabia and those whose contracts are bound to expire in the coming months,” pahayag ni Legarda.

Sa Senate Resolution 443 na inihain ng Legarda, chairperson of the Senate Committee on Foreign Relations, ipinananawagan nito na magkaroon ng pakikipagpulong upang mapag-usapan sa PHL-KSA JCM ang mga pamamaraan upang mabatid ang kalagayan ng mga  OFW na nasa Saudi Arabia.

Ayon sa senadora, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang siyang mag-iinisyatiba ng nasabing pagpupulong.

Nilinaw nitong ang ikatlo at huling JCM ay ginanap noon pang Oktubre 2008.

“The DFA should undertake efforts for the convening of the Philippines-Saudi Arabia Joint Commission to meet on a wide range of matters affecting overseas Filipinos in Saudi Arabia, including the transfer of sentenced persons and other measures to expand technical cooperation between the two nations,” paliwanag pa ni Legarda. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply