LGUs bawal na mag-seminar sa ‘vacation spots’ –Robredo

HINDI umano dapat maging pamamasyal ang mga seminar na idinaraos ng mga opisyal ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan, ayon kay Interior Sec. Jesse Robredo.

Nag-isyu ang solon ng memorandum kamakailan lamang sa mga gobernor, alkalde, maging mga barangay captain at mga opisyal ng lalawigan at munisipyo hinggil dito.

Nakapaloob sa memorandum ni Robredo na dapat iwasan ang pagdaraos ng mga seminar, miting at training sessions sa labas ng kanilang mga nasasakupang lugar.

Inilabas ng kalihim ang kautusan matapos ang mga ulat na ilang mga opisyal sa tatlong lungsod sa Metro Manila ang nagdaos umano ng miting sa mga mamahaling hotel sa island resort ng Boracay kung saan nagtungo ang mga barangay opisyal ng Pasig City, ang mga taga-Mandaluyong sa Baguio City, at ang mga taga-San Juan City ay sa Subic naman nagliwaliw.

Ani Robredo, mayroong utos din ang Commission on Audit (COA) sa mga LGUs laban sa magarbo at magastos na mga pamiting at paggasta sa salapi ng bayan ng walang patumangga na nakaaapekto sa daloy ng tunay na serbisyo sa mga pangangailangan ng nasasakupan.

Dagdag pa nito, maaari namang ganapin ang mga naturang pagpupulong sa lugar na nasasakop ng mga LGU sa kani-kanilang hurisdiksyon, at kung mayroon man, sa mga pasilidad nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply