Libong pasahero stranded sa PAL

UMABOT sa 1,087 pasahero ng Philippine Airlines ang hindi nakalipad sa kanilang patutunguhan kahapon dahil tumanggi ang mga crews ng mga eroplano na mag-overtime.

Kabilang ang 568 na pasahero galing Manila patungong Cebu at 519 pasaherong mula Cebu tungo sa Manila ang dinala muna sa mga hotel at pinakain ng PAL management dahil walang hahawak na mga personnel sa kanilang mga eroplano.

Humingi naman ng paumanhin ang PAL sa naturang pangyayari.

“They were served meals, booked into hotels and eventually flown to their respective destinations on Thursday. Due to protracted technical work on aircraft, PAL’s cabin attendants refused to serve affected flights as they would exceed crew duty time limits embodied in their collective bargaining agreement,” ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.

Ang mga nakanselang flight ay ang PR 849/850 (Manila-Cebu-Manila); PR 855/856 (Manila-Cebu-Manila); at PR 864 (Cebu-Manila).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply