Lining no.1 sa WPA rankings

SI THORSTEN Hohmann ng Germany ang tinanghal na kampeon sa katatapos na 2011 Philippine Open Pool Championships habang si 2002 Asian Games gold medalist Antonio “Nikoy” Lining ay hanggang semis lang umabot.

Subalit ang Pinoy cue artist na si Lining ang tinanghal na World’s No. 1 pool player matapos ihayag ni World Pool Association president Ian Anderson sa media.

“Antonio (Lining) will be the no. 1 pool player in the world after his semifinal finish in this tournament while Bustamante (Django) will be the no. 2.” sabi ni Anderson.

Kahit nakakolekta ng 500 points si Hohmann matapos talunin sa finals ang kababayang si Ralf Souquet, 11-10,  noong Lunes ng gabi sa SM Mega Mall sa Mandaluyong City, hindi naging sapat upang ungusan ang 48 anyos Lining.

Ayon kay Anderson palaging nakakapuwesto si Lining sa mga tournaments na sanctioned ng WPA kaya mataas ang kanyang puntos.

“Nanghihinayang ako kasi hindi tayo nakalaro sa finals pero masaya ako dahil first time ko maging no. 1 sa world.” wika ni Lining na natalo sa semis kay double world champion Souquet, 0-9.

Apat na beses lamang nakatumbok si Lining sa laban nila ni Souquet at ayon pa sa una, hindi pa ito nakakatira ng maganda sa tuwing sasablay ang huli.

Inamin ni Lining na may nararamdaman siyang pananakit sa likod at braso matapos niyang talunin si former world champion Darren Appleton, 9-6, ng Great Britain sa quarterfinals.

Samantala, parang nagkampeon din si former double world champion Wu Chia Chingsi kahit hindi siya nakasali sa Men’s Division dahil nasungkit ng kanyang alaga na si Chen Siming ng China titulo sa women’s division.

“I never expected to win like this, winning six, straight, (including finals) in the winner’s bracket.” masayang sabi ni Siming.

Ang 17-anyos na si Siming ay umakyat sa no. 2 sa women’s world ranking ng WPA habang si Ga Young Kim pa rin ang no. 1.

Tinalo ni Siming si Kelly Fisher ng Great Britain, 9-8 sa finals. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply