Live-in partners nagtalo, lalaki nagbaril sa ulo

ISANG tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng isang 31-anyos na lalaki matapos itong magbaril sa kanyang sarili nang mag-away sila ng kanyang live-in partner dahil sa problema sa pera, Lunes ng hapon, Abril 11, sa San Andres Bukid, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Marlon Valenzona, walang trabaho, ng 1858 Oro B. Zobel St., San Andres Bukid.

Ayon kay PO3 Alonzo Layugan, dakong alas-5:20 ng hapon nang magbaril sa ulo ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto.

Nauna rito, nagpakalasing umano sa alak ang una mula alas-nuwebe ng umaga na inabot umano ng tanghali.

Dahil namomroblema na umano ang biktima at live-in nitong si Ryssa San Diego sa pera ay nagalit ang huli kaya nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa.

Bandang hapon habang tulog umano si Ryssa, bumaba naman ang biktima mula sa kanilang kuwarto kung saan nakita ng ina nito na si Aling Virginia na malungkot at malalim ang iniisip ng biktima, ngunit hindi niya ito pinansin at umalis na upang mamalengke.

Muling bumalik ang biktima sa kuwarto at doon na nagbaril sa sarili gamit ang sumpak na kinargahan ng bala ng shotgun.

Dahil sa malakas na putok ay agad na nagising ang live-in nito na mahimbing na natutulog at nagulat na lamang ito ng makitang duguang nakabulagta sa kuwarto ang kanyang mister.

Isinugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival. Dinala naman ang kanyang bangkay sa Ilagan Funeral Homes para sa autopsy. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply