LJ Reyes, Paulo Avelino pang-Kwaresma ang pulot-gata

SA BAGUIO magbabaksyon ngayong Holy Week ang live-in partner na sina Paulo Avelino at LJ Reyes.

Isasabay na ng aktor ang pagpapahinga dahil kagagaling lang niya sa ospital dahil sa sakit na pneumonia.

“Mabuti na lang at walang work ngayon dahil Holy Week kaya makakapagbakasyon at makakapagpahinga ako,”sabi ni Paulo.

oOo

Sobrang maraming salamat kina Cong. Lani at Sen. Bong

NUNG April 13 ay kaarawan ni Cong. Lani Mercado.  Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay nagbigay siya ng free concert sa Bacoor, Cavite, kung saan dumalo rito ang ilan sa showbiz friends niya na nagsurpresa sa kanya.

Siyempre pa, kumpleto ang buong pamilya ni Cong. Lani sa free concert na yun. Kaya naman sobrang masaya siya sa kanyang kaarawan.

Nang tanungin siya kung ano ang birthday wish niya, hindi raw para sa kanyang sarili ang wish niya kundi para na lang daw sa mga taga-Bacoor, na sana raw ay matupad na ang matagal na niyang hiling na makuha ng Bacoor ang cityhood nito. Isa nga ‘yun sa mga unang panukala na ipinasa niya sa Kongreso.

Para kay Cong. Lani, maituturing niya na ang selebrasyon nila ni Sen. Bong Revilla ng kanilang 25th wedding anniversary ang pinakamagandang birthday gift na raw sa kanya dahil inabot nila ito sa gitna ng mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa.

Sa Boracay ang destinasyon nina Cong. Lani sa Holy Week. Pagkatapos dun ay didiretso sila sa America para mag-reminisce ng konti dun at ipakita sa kanilang mga anak ang lugar na una  nilang pinagkasalan.

To Cong. Lani, belated happy birthday and thank you again sa Guarantee Letter na ibinigay ninyo sa akin  para  sa aking pinakamamahal na ina na hanggang ngayon ay naka-confine pa rin sa Philippine Heart Center due to stroke and pneumonia. Rommel Placente

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply