Lodging house sa Basilan pinasabog

WASAK at gumuho ang isang lodging house nang sumabog ang itinanim na improvise explosive device ng dalawang hindi nakikilalang suspek sa Basilan, iniulat ng pulisya.

Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine National Police sa Camp Crame Quezon City, naganap ang pagsabog bandang 7:10 kagabi sa loob ng Spasky’s Lodging House sa Barangay Maligaya, Lamitan City na pag-aari ng negosyanteng si Jose Tejada.

Ayon kay Basilan Police Director Alex Linesis, nag-collapse ang gusali kasunod ng pagsabog dahil yari lamang ito sa light materials.

Ayon naman kay Western Mindanao Command spokesman Lieutenant Colonel Randolph Cabangbang, patuloy pang sinsiyasat ng militar at Lamitan PNP ang insidente upang alamin kung ilan ang nasaktan dahil kasalukuyan pang tinitipon ang mga detalye base sa isinagawang rescue operation sa area.

Nabatid na base sa inisyal na imbestigasyon, dalawang lalaki na tinatayang may edad 18 hanggang 21 ang nag-checked in sa Room 200 ng Spasky’s Lodging House’s ground floor bandang 6:30 ng gabi nitong Sabado.

Sinasabing may dalang berdeng plastic bag ang dalawa subalit hindi na nagawang buklatin ng mga tao sa front desk.

Isang oras pa ay umalis na umano ang dalawang salarin kasabay nang biglang pagsabog ikinaguho ng paupahan.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply