Lola, buntis natabunan ng bultu-bultong tubo

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang 60-anyos na lola at isang hindi pa nakikilalang buntis matapos na matabunan ng bultu-bultong tubo (sugarcane) ang sinasakayan nilang tricycle sa Negros Occidental, ayon sa ulat ng pulsiya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, bandang 9:00 ng umaga (Abril 28) ng biglang tumumba ang isang cargo truck na punong puno ng tubo sa Central Lopez, lungsod ng Sagay sa nabanggit na lalawigan na siyang bumagsak sa nasabing tricycle kung saan lulan ang dalawang biktima.

Ayon sa isang saksi na si Danny Sumusot, naka-park ang naturang tricycle sa gilid ng daan upang magpagasolina.

Hindi napansin ng mga nasa tricycle ang dahan-dahang pagkatumba ng truck.

Agad namang sinaklolohan ng mga nakasaksi ang biktimang si Rosita Alob, 60 at isang di pa nakikilalang buntis.

Sa pahayag ng mga sumaklolo ay halos paa na lamang ng mga biktima ang nakalabas sa traysikel.

Dahil dito, nagsagawa agad ng rescue operations ang mga awtoridad upang makuha sa gabundok na tubo ang mga biktimang nadaganan nito upang madala sa pagamutan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply