Lola, kinatay saka pinagnakawan sa Cavite

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng 81-anyos na lola matapos pasukin sa loob ng kanyang bahay at katayin saka pagnakawan sa Brgy. Medicion 1-C Imus, Cavite

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Zenaida Sabala, 81, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jeremiah Banacia, may hawak ng kaso, ala-una ng madaling-araw nang madiskubre ni Adelina Arcanghel, 61, kasamahan ng biktima sa bahay na duguang nakahandusay na ang una sa loob ng kanilang bahay.

Nagising umano siya nang makarinig ng mga boses sa loob ng bahay, subalit hindi umano niya agad pinansin dahil ng mga oras na iyon ay brown out.

Nang bumaba siya para gumamit ng CR ay dito na niya nadiskubre ang duguang katawan ng biktima at wala nang buhay.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa pulisya kung saan nalaman na pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya sa ikahuhuli ng mga salarin. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply