Lola natusta sa sunog sa Makati

ISANG 79-anyos na babae ang namatay makaraang matupok sa isang sunog sa residential area ng East Rembo sa Makati City bago maghatinggabi ng Linggo, Abril 17.

Narekober ng mga bumbero ang bangkay ng matanda na nakilalang si Sonia Soriano Conia, sa kanyang barong-barong makaraang maapula ang sunog bandang 5:31 a.m.

Ayon sa report ng dzBB, hindi nakuhang mailigtas ang bangkay sa pag-aakalang wala na sa bahay ang matanda para magsimba.

Nang maapula ang apoy, agad na pinatingnan ng mga kapitbahay sa mga bumbero kung nasa loob ang matanda at natagpuan nga ito sa kanyang mismong kama sa kanyang bahay sa 161, 1-K 20th Avenue, naturang barangay.

Nagsimula ang sunog bandang 4:45 a.m. na umabot sa ikatatlong alarma bago naapula.

Inaalam sa kasalukuyan ang sanhi ng naturang sunog. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply