Lola, pamilya tinamaan ng kidlat sa Negros

ISANG matandang babae kasama ang apat na miyembro ng pamilya ang malubha ngayon sa pagamutan makaraang tamaan ng kidlat sa Barangay Lumbangan, Mabinay, Negros Oriental.

Ayon sa inisyal na report, nakilala ang mga biktima na sina Ruben Ilum Alinsonorin, 45; misis nitong si Vilma Balbon Alinsonorin, 39; ang kanilang mga anak na sina Junjun, 16, at Charmaine, 12; at ang kanilangkapit bahay na si Jione Balauro Balbon, 71.

Nabatid na papauwi na sa kanilang bahay ang mga biktima mula sa palengke sa bayan dakong 3:00 ng hapon nang maabutan ng ulan sa daan kung saan biglang kumulog at kumidlat na tumama sa kanila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply