Lolang may sakit, patay sa sunog

PATAY sa sunog ang isang lolang may karamdaman nang hindi makalabas sa kanyang nagliliyab na bahay sa Villasis, Pangasinan, Huwebes ng madaling araw, Abril 21.

Hindi na naisalba pa ng kanyang kapitbahay ang biktimang si Anita Marzan Ordoñez, 71-anyos, dahil nilamon na ng malaking apoy ang bahay nito sa Zone 4 Barangay Poblacion, Villasis, Pangsinan.

Sinabi ni Senior Fire Officer 2 Ronald Barrientos, OIC firemarshal ng Villasis BFP, pasado alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang sunog na nagsimula sa kuwarto ng bitikima.

Ayon kay Barrientos, hindi na nakalabas ng bahay ang biktima dahil mayroon itong iniindang karamdaman at mag-isa lamang ito nang masunog ang  kanyang bahay.

Matapos maapula ang sunog, nakita na lamang ang bangkay ng biktima na kanahandusay sa isang sulok ng kuwarto nito.

Kasalukuyang kinukumpirma ng Villasis BFP kung ang gamit na gasera ang pinagmulan ng sunog.  Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply