LRT balik-serbisyo sa Abril 11

INANUNSYO ngayon, Abril 8, ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbabalik ng regular na operasyon ng tren sa Balintawak at Roosvelt station, Quezon City mula Baclaran, Parañaque City sa Abril 11, 2011.

Ayon sa pahayag ni LRTA Administrator Rafael S. Rodriguez, ang dalawang istasyon ay handa na para ipagpatuloy ang nahintong serbisyo sa publiko makaraan ang halos dalawang buwan sumailalin ito sa operational
procedures at safety requirements.

“We allotted ample time for the refresher and retraining of all train operators in LRT Line 1, and reorientation on safety driving policy to keep them from figuring in rail-related accidents,” paliwanag ni Rodriguez.

Nais umano ni Rodriguez na matiyak na ang kanilang drivers ay maihahatid ng maayos ang mga pasahero sa kanilang patutunguhan matapos sumailalim ang makina sa functional testing, safety inspection at re-evaluation nitong nakaraang February 8, 2011 dahil sa naganap na aksidente sa Roosvelt station.

Sa ipinalabas ng derektiba ni Rodriguez, ang management ay naglabas ng karagdagang safety measures upang hindi na maulit ang nangyaring aksidente sa Roosvelt station.

Nilinaw ni Rodriguez na naayos na umano nila ang virtual switch para sa panibagong safety mechanism habang nasa operasyon ang tren at pagpapalit ng kanilang train inspectors at disptchers na tumitingin sa galaw ng tren mula sa Monumento, Caloocan City hanggang sa Roosevelt station.

Ang dalawang station ay bahagi ng North Extension Project na nag-uugnay sa LRT-1 at MRT-3 patungo sa kanilang common station. Amor Virata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply