LTFRB inutil vs ‘contracting’ cabs

ISANG umaga ay galit  na dumating sa bahay ang aking anak mula sa pinagtatrabahuhan nitong  call center company sa Mandaluyong.

Ang dahilan – tulad ng palaging idinadaing na pagtanggi ng ilang taxi driver na mahilig sa tinatawag na ‘contract boarding.’

Ang ‘contract boarding’ ay isang modus na kung saan kokontratahin ng taxi driver ang pasahero na hindi gagamit ng metro.

Ito’y ipinagbabawal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) pero pilit na ginagawa ng cab drivers.

Maliwanag na raket ito ng ilang tusong taxi driver na hindi sana dapat mangyari kung ginagawa ng LTFRB ang kanilang trabaho.

Paninikil ito ng mga taxi driver sa mga kawawang pasahero na dapat bigyang pansin ng kasalukuyang liderato ng LTFRB.

Nasaan ang mga tauhan ng ahensya na dapat ay nakamasid sa mga kalsada para bantayan ang mga mandurugas na driver.

Tila, inutil ang LTFRB laban sa mga nangongontratang taxi driver.

oOo

‘Hulidap’ ng reform RDPSTMni Recom

MAY
natanggap tayong ulat na hindi na tama ang ginagawa ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM).

Tila ba, wala nang respeto umano sa batas ang mga RDPSTM sa Unang Distrito ng lungsod ng Caloocan.

Sila’y umaabuso sa pansamantalang kapangyarihan na ibinigay sa bisa ng pagtatalaga sa kanila ni Echiverri.

Pinaghuhuli ang ilang katao sa Bukid area sa utos umano ng isang Ern Cruz na OIC ng RDPSTM sa 1st district.

Walang masama sa panghuhuli ng mga tauhan ni Cruz sa pangunguna raw ng isang Stepan sa mga loteng bettor dahil ito’y iligal na bisyo.

Ang masama, kinuha lang ang bet collection at pera raw ng mga mananaya, pagkatapos ay parang walang nangyari.

Kung malinis ang hangarin ng RDPSTM raiders na ito, sana’y dinala ang mga taong hinuli sa pulis at kinasuhan.

Maliwanag na hulidap ang ginawa, di po ba?

‘Di kaya nila alam na sa ginawa nilang iyon, ang sisi sa kanilang kapalpakan ay ang nagtalaga sa kanilang si Mayor Recom Echiverri. O baka naman nalasing na kayo sa kapangyarihan? Bong Padua

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply